1, 386 NA INDIBIDWAL BENEPISYARYO NG TUPAD SA DAGUPAN CITY

Inaprubahan na ng Department of Labor and Employment Region 1 ang 1, 386 na benepisyaryo para sa PANGHANAPBUHAY SA ATING DISADVANTAGED/DISPLACED WORKERS (TUPAD) Program.
Ang mga ito ay nakatakdang magtrabaho para sa clearing of river tributaries and sewer clean up. Layunin nito na maibsan ang pagbaha lalo na sa mga mababang lugar ng lungsod.
Tatanggap ang mga ito ng 400 piso kada araw na kanilang sahod o kabuuang 4,000 sa sampung araw na pagtatrabaho.

Isinagawa ang dalawang araw na profiling ng DOLE Region 1 at PESO Dagupan sa mga benepisyaryo. | ifmnews
Facebook Comments