Cauayan City District Jail, Walang Naitalang Kaso ng Pamumuslit ng mga Kontrabando

Sa loob umano ng mahigit labing-dalawang taon ay wala ni isa ang sumubok na mag puslit ng mga kontrabando katulad ng mga iligal na droga, alak, at sigarilyo sa loob ng Cauayan City District Jail.

Ayon sa naging eksklusibong panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Community Relation Service Jail Non-officer Rank, Karla Mae Calaunan, ipinagmalaki nito na sa tagal nitong pagseserbisyo sa CCDJ ay wala pa itong nakumpiskang mga nabanggit na kontrabando mula sa mga kaanak o sinumang bumibisita sa mga Persons Deprived of Liberty (PDL).

Aniya, lahat umano ng mga bumibisita sa naturang pasilidad ay sumusunod sa lahat ng kanilang mga alituntunin. Samantala, upang masiguro umano na malinis at walang nakasiksik na anuman sa mga dinadala ng mga bumibisita ay masusi umano nilang iniinspeksyon ang mga gamit o pagkain.

Samantala, ngayong papalapit na muli ang kapaskuhan ay pinapaalalahan rin ni Calaunan ang publiko lalo na ang mga dadalaw sa mga PDL na huwag ng magdala ng mga ipinagbabawal katulad ng alak at mga sigarilyo upang maging maayos at matiwasay umano ang kanilang magiging pagbisita.

Facebook Comments