Umabot na sa 1.4 milyong Pilipino ang nakauwi sa Pilipinas.
Ayon kay Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana, kabuuan itong 1,456,364 mga Pilipino na napauwi o na-repatriate dahil sa COVID-19 pandemic.
Kabilang sa mga ito ang halos 300,000 Pinoy na naninirahan na sa ibang bansa na piniling magbalik-bayan.
Ito na ang itinuturing na pinakamalaking repatriation ng gobyerno simula ang pandemya.
Tiniyak naman ng pamahalaan ang tulong na ibibigay sa mga Pilipino gaya ng negosyo at trabaho.
Facebook Comments