Dumating na sa Pilipinas ang panibagong batch ng 1.5 million doses ng Sinovac COVID-19 vaccines.
Alas 7:48 kaninang umaga nang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang Flight 5J 671 ng Cebu Pacific karga ang karagdagang vaccine supply.
Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., bukas, July 23, nasa 1.5 milyong doses pa ng Sinovac vaccine ang inaasahang darating sa bansa at karagdagan pang 2.5 million doses bago matapos ang buwan.
Inaasahang maide-deliver na rin ngayong Hulyo ang 3 million Moderna doses na donasyon ng U.S. sa pamamagitan ng COVAX Facility; 415,000 doses mula sa U.K. at 300,000 doses ng Pfizer sa July 26.
“So all in all, baka ang dumating po ngayong buwan, humigit-kumulang po 20 million. So, lahat po ngayon, umabot na po tayo 29, 985, 130 po. Kasi 164 [million doses] po yun so, more or less, may mga 120 [million doses] pa po tayong hinihintay at karamihan po dun dadagsa sa fourth quarter,” ani Galvez sa interview ng RMN Manila.