1.5-M mga pasahero, inaasahang dadagsa sa PITX sa ikalawang linggo ng Disyembre

Nakahanda na ang Parañaque Integrated Terminal Exchange o PITX sa pagdagsa ng mga pasaherong tutungo sa mga lalawigan ngayong Christmas season.

Ayon kay PITX Corporate Affairs and Government Relations Head Jason Salvador, inaasahan na nilang aabot sa 1.3 hanggang 1.5 milyong pasahero ang dadagsa sa nasabing bus terminal mula Disyembre 15 hanggang December 29.

Aniya, inaasahan din nila ang mas maagang pagdagsa ng mga pasaherong uuwi sa mga lalawigan.


Sa katunayan aniya, nakikipag-ugnayan na sila sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan para matiyak na may contingency silang mailalatag sakaling kapusin ng mga bus.

Facebook Comments