SMNI, posible umanong nagkaroon ng paglabag sa kondisyon ng prangkisa dahil sa “fake news”

Posible umanong mayroong nalabag ang Sonshine Media Network International (SMNI) sa paglalabas niyo ng report na gumastos si Speaker Ferdinand Martin Romualdez ng P1.8 bilyon sa mga biyahe nito, bagay na ayon sa Kamara ay “fake news”.

Sinabi ito ng National Telecommunications Commission (NTC) at Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) sa naging pagdinig ng House Committee on Legislative Franchises.

Sa pagdinig ay binigyang diin ni House Secretary General Reginald Velasco na P4.3 million lamang ang gastos sa biyahe ni Romualdez habang ang buong Kamara ay gumastos naman ng P39.6 milyon.


Inamin naman sa hearing ng host ng SMNI na si Jeffrey “Ka Eric” Celiz na nakatanggap sya ng mensahe mula sa dalawang source kaugnay ng nabanggit na travel expenses ni Romualdez pero wala syang nakitang ebidensya.

Humingi ng paumanhin si Celiz kay Romualdez at sa Kamara habang sinabi naman ng co-host nito na si Lorraine Badoy na hindi ito sangkot sa smear campaign laban sa Kamara.

Facebook Comments