1.5 million doses ng Sinovac vaccine, darating sa bansa ngayong araw

Panibagong 1.5 milyong doses ng Sinovac COVID-19 vaccine ang darating sa ngayong araw.

Ito na ang ika-10 shipment ng bakuna ng Chinese manufacturer Sinovac Biotech sa Pilipinas.

Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., inaasahang lalapag ang mga bakuna sa Ninoy Aquino International Airport Terminal (NAIA) Terminal 2 sa Pasay City bandang alas-7:30 ng umaga.


Aniya, ihahatid ang mga bakuna sa cold storage facility ng PharmaServ Express, Inc. sa Marikina City bago ipamahagi sa mga Local Government Unit (LGU).

Bunsod nito, tataas ang vaccine supply ng bansa sa 14,205,870 doses.

Facebook Comments