1.5 Million na Pondo, Nakalaan sa Pagsasaayos ng Gusali ng BJMP Ilagan!

Ilagan City, Isabela – Kinumpirma ni Jail Senior Inspector Jose Bangug Jr ng BJMP Ilagan City District na sa ika siyam ng Mayo ay nakatakda na ang pagsasaayos ng gusali sa halagang 1.5 million pesos..

Ayon pa kay Jail Inspector Bangug Jr., ang naturang halaga ay mula sa First Engineering District ng DPWH kung saan tatlong selda mula ang unang isasaayos.

Bahagi ng pagsasaayos ay palalakihin umano ang bawat selda dahil sa kasalukuyan ay masakip ito sa bilang na isang daan at dalawamput tatlong inmates.


Sinabi pa ni Inspector Bangug Jr. na kahit may kasikipan ang selda ngayon ay nananatili pa rin ang kalinisan nito

Matatandaan na naging usapin ang kasikipan at umanoy hindi malinis na selda sa BJMP City of Ilagan.

Facebook Comments