Serial Rapist ng Tuguegarao City Cagayan, Nahuli Na!

Tuguegarao City, Cagayan – Maraming kaso ng panggagahasa ang ipapataw sa nahuli kahapon na tinaguriang serial rapist sa lungsod ng Tuguegarao.

Sa pakikipag-ugnayan ng RMN Cauayan kay 3rd District Congressman Randolf Ting ng Cgayan ang serial rapist na si Rowie Siddayao, tatlumput apat na taong gulang at isang tricycle driver ay nahuli sa mismong bahay nito sa Barangay Capatan Tuguegarao City, matapos na itimbre sa PNP Tuguegarao ng isang informant.

Ayon pa kay Congressman Ting, modus umano ng suspek na isakay sa tricycle ang kanyang biktima at dinadala sa isang lugar sa Tuguergarao City kung saan dito rin umano ginahasa at pinatay ni Siddayao ang kapatid nito.


Si Siddayao ay may tatlong magkakasunod na kasong rape noong Marso at ngayong buwan ng Abril na isa sa kanyang biktima ay labing dalawang taong gulang.

Dating may dalawang kaso ng panggagahasa si Rowie Siddayao noong 2014 kung saan naibasura ang mga kasong ito nang nag-abroad ang isa sa mga biktima habang ang iba ay inareglo na lamang.

Isasailalim sa drug test si Siddayao para malaman kung gumagamit ng ipinagbabawal na gamot o droga.

Samantala, ang pabuya na ipinangako noon ni Congressman Ting para sa agarang pagkakahuli kay Siddayao ay naibigay agad sa informant.

Facebook Comments