1.5 milyong doses ng Sinovac Vaccines, dumating na sa bansa

Dumating na sa bansa ang karagdagang 1,500,000 doses ng Sinovac vaccines.

Dakong alas-5 kahapon dumating ang mga bakuna sa Ninoy Aquino International Airport — Terminal 2 lulan ng Flight PR359.

Personal itong sinalubong nina National Task Force Against COVID-19 special adviser Dr. Teodoro Herbosa, NTF Francel Margareth Taborlupa at NTF Clifford Nickanor Basco


Paliwanag naman ni Vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr., parte ang mga bakuna ng 16 million doses ng Sinovac vaccines na darating sa Pilipinas ngayong Septyembre.

Facebook Comments