Bilang ng mga nasawi dahil sa Bagyong Jolina, pumalo na sa 16

Sumampa na sa 16 ang bilang ng mga nasawi dahil sa pananalasa ng Bagyong Jolina.

Batay sa datos ng Office of Civil Defense ng Calabarzon, nadagdag sa bilang ng mga nasawi si Ariel Fabino, 56-anyos na nagmula sa Pagbilao, Quezon matapos malunod at matagpuan sa San Juan, Batangas.

Kasama rin sa nasawi ang 19-anyos na si Ronel Manalo ng Tayabas, Quezon City na pagkalunod din ang dahilan matapos sikaping tumawid sa Mauban town.


Patuloy naman ang beripikasyon ng mga otoridad kung may mga nasawi pa sa Calabarzon.

Sa ngayon, umabot na sa 9 ang mga nasawi dahil sa bagyo na nagmula sa Eastern Visayas; tatlo sa Masbate sa Bicol, at isa sa Marinduque.

Kabuuang 109,680 katao naman ang naapektuhan ng kalamidad mula sa Eastern Visayas, Western Visayas, Central Mindanao, Bicol, MIMAROPA, Calabarzon, Central Luzon at Metro Manila batay sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NCRRMC).

Facebook Comments