1.7 milyon na halaga ng shabu nakuha sa high value target kahapon sa lungsod

Timbog kahapon ng hapon ng mga elemento ng PDEA-ARMM kasama ang Ronda team at ng PP1 ang isa sa mga high value target ng ahensya na nakuhanan ng 1.7 milyon pesos na halaga ng shabu sa drug buy bust operation sa bahagi ng Don Rufino Alonzo street sa tapat ng Novotel.
Kinilala ang suspect nasi Esrael Mamalangka nasa tamane edad at residente ng Talayan maguindanao, nakuha sa kanya ang limang jumbo pack na shabu na worth 1.7 milyon pesos na nakalagay sa u-box ng dala nitong SYM single motorcycle. Ayon pa kay PDEA-ARMM Director Juvenal Azurin, isang buwan din nilang sinubaybayan ang kilos ng suspect na nagbebenta ng malakihang droga sa lungsod at maguindanao.Kahapon kumagat siya sa bitag ng ahensya kasama sina PP1 Commander PCI Reynaldo Delanten kasama ang Ronda team ni mayor Atty. Frances Cynthia Guiani Sayadi. Sa ngayon ay nakapiit na ang suspect sa PDEA habang inihanda na ang kaso laban sa kanya.Nagbabala naman si Mayor Cynthia sa mga tulak ng droga na nagbabalak na pumasok sa lungsod na may kalalagyan sila.

Facebook Comments