Mahigit 20 traffic violators huli ng TMU at HPG

Huli kahapon ng Traffic Management Unit at ng Highway Patrol Group ARMM ang mahigit sa dalawampung truper matapos na magsagawa ng Oplan Disiplina sa Kalsada campaign sa Sinsuat avenue malapit sa City Hall. Ayon kay TMU Chief PSI Ruel Zafra, na sa kabila ng kanilang paalala sa mga motorista hinggil sa kanilang pinalakas na kanpanya sa batas trapiko ay marami parin ang lumalabag.Kayat silay nabigyan ng citation ticket kahapon at nakatakdang sasailalim sa seminar sa susunod na linggo.Anya karamihan sa nahuling driver ay expired ang kanilang drivers license at yung iba ay expired ang rehistro ng motorsiklo at sasakyan.Nagpaalala naman si Zafra sa mga motorista na kapag papasok ng lungsod ay kailangang ihanda na umano ang mga papeles upang hindi maabala.

Facebook Comments