Umabot na sa 1.7 milyong National ID cards ang naipamahagi ng gobyerno.
Ayon kay Philippine Statistics Authority (PSA) Assistant Secretary Rosalinda Bautista, mula ito sa 42 milyong mga Pilipino na nakapagrehistro sa National ID.
Isinagawa ito sa pamamagitan ng pagrehistro online kung saan sasagutin ang mga personal na tanong tulad ng buong pangalan, address, petsa ng kapanganakan at iba pa.
Pagkatapos nito, makakatanggap ng text ang aplikante at email para sa schedule ng biometric information.
Magagamit ang National ID para makapagbukas ng bank account sa Landbank
Sa ngayon, target ng gobyerno na makapagrehistro ng nasa 50 milion Pilipino bago matapos ang 2021.
Facebook Comments