1.8-M Pinoy, nabakunahan sa nagpapatuloy na Bayanihan, Bakunahan Part 3

Umaakyat na sa 1.8 million na mga Pilipino ang nabakunahan sa nagpapatuloy na Bayanihan, Bakunahan III.

Sa presscon sa Malacañang, sinabi ni Health Usec Ma. Rosario Vergeire na mula sa bilang na ito, higit 337,000 ang nakatanggap ng first dose ng bakuna.

Higit 758,000 naman ang nabigyan ng second dose, habang nasa higit 655,000 ang nakatanggap ng booster shot.


Kaugnay naman sa nagpapatuloy na ResBakuna Kids program, nasa higit 149, 000 na mga 5-11 years old na ang nabakunahan kontra COVID-19.

Sa kabuuan, nasa 132 million doses na ng COVID-19 vaccines ang naiturok ng pamahalaan sa buong bansa.

Facebook Comments