BED OCCUPANCY RATE SA KALINGA, SAFE ZONE NA

Cauayan City, Isabela- Nasa Low-Risk Level or Safe Zone na ang Bed Occupancy Rate sa lahat ng ospital sa lalawigan ng Kalinga.

Batay sa abiso ng Provincial Government, mabilis na umano ang pagbaba ng bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa probinsya dahil na rin sa malaking porsyento ng populasyon ay bakunado.

Nagpaalala naman si Governor Ferdinand Tubban sa publiko na mahigpit na sundin ang health protocols upang makamit ang zero active cases sa araw-araw at lalo pang mapababa ang mga aktibong kaso sa buong lalawigan.

Pinaalalahanan rin nito ang lahat na huwag maging kampante at ikonsidera ang kaligtasan ng lahat gayundin ang mahigpit na paghimok na huwag dumalo sa anumang social gathering upang maiwasan ang pagkalat ng virus.

Sa pinakahuling datos, mahigit isandaan pa rin ang kabuuang bilang ng positibong kaso sa probinsya.

Facebook Comments