Inihayag ni Mangaldan Mayor Bona Fe De Vera Parayno na isa ang bayan sa mapapamahagian ng ayuda mula Department of Social Welfare and Development Region 1 sa ilalim ng programang Unconditional Cash Transfer o UCT.
Sa flag raising ceremony, sinabi ng Alkalde na nasa 1, 893 na benepisyaryo sa Mangaldan ang inilaan ng DSWD. Sasailalim ang mga ito sa balidasyon ng kagawaran at nakatakdang tumanggap ng 3,000.
Ito umano ay tulong ng ahensya sa mga Pilipino sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo. Sa buong bansa mayroong 2. 4 milyong Pilipino ang benepisyaryo ng UCT. |ifmnews
Facebook Comments