BANTAY TAMBUTSO SA LA UNION, ISINAGAWA

Isinagawa ng Department of Environment and Natural Resources -Environmental Management Bureau (DENR-EMB) – Region 1 ang inspeksyon ang Bantay Tambutso sa probinsya ng La Union.
Sumailalim sa inspeksyon ng kagawaran ang 18 diesel-powered sasakyan ng gobyerno.
Lumalabas na ang mga ito ay tumalima sa Vehicle Emission Standards sa ilalim ng Department Administrative Order No. 04 series of 2015 o ang β€œImplementation of Vehicle Emission Limits for Euro 4 and in-use Vehicle Emission Standards”.

Sa ilalim ng Republic Act 8749, o ang Philippine Clean Air Act of 1999 ang programa ay siyang susuri sa ibinubugang usok ng mga sasakyan upang masigurong ligtas sa kapaligiran at publiko.
Magpapatuloy ang inspeksyon ng kagawaran sa iba pang lugar sa Region 1. |ifmnews
Facebook Comments