1.9 million COVID-19 vaccines, naiturok na – DOH

Umakyat na sa 1.9 million doses ng COVID-19 vaccines ang nagamit para sa una at pangalawang dose mula nitong May 1.

Mula sa nasabing bilang, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nasa 1,650,318 na indibiduwal ang nakatanggap ng unang doses ng COVID-19 vaccines.

Nasa 284,553 ang nakatanggap ng kumpletong dose.


Sinabi rin ni Vergeire na nasa 1,094,493 frontline healthcare workers sa bansa o 70.9% ng higit 1.5 million masterlisted priority group A1 population mula nitong May 1.

Hinimok ni Vergeire ang A1 hanggang A3 group na makipag-ugnayan sa mga local government units para sila ay mabakunahan.

Kasalukuyang isinasagawa ang vaccination sa mga healthcare workers, senior citizens, at mayroong comorbidities.

Facebook Comments