Kumpiyansa ng mga Pilipino sa bakuna, tumataas – DOH

54

Patuloy na tumataas ang kumpiyansa ng mga Pilipino sa bakuna.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, marami na naghahayag ng pagnanais na sila ay mabakunahan.

May ilang healthcare workers na nag-aalangan noon pero ngayon ay gusto na nilang magpabakuna.


Ito aniya ang dahilan kung bakit kailangang madagdagan ang supply ng COVID-19 vaccines.

Mahalagang mapabilis ang vaccine rollout para mas maraming tao ang agad na mabakunahan.

Facebook Comments