Umabot na sa higit 1.9 million na estudyante ang nakapagrehistro na para sa School Year (SY) 2021-2022.
Sa datos ng Department of Education (DepEd) nitong April 5, nasa 1,902,428 learners sa buong bansa mula Kindergarten, Grades 1, 7, at 11 ang maagang nag-enroll para sa bagong school year.
Ang CALABARZON ang may pinakamataas registered learners na may 252,377 kasunod ang National Capital Region (NCR) na may 175,574 at sumunod ang Northern Mindanao (175,405).
Pinapaalalahanan ng DepEd ang mga field office nito na gamitin ang available online platforms at drop boxes para sa remote early registration na magtatagal hanggang April 30, 2021.
Ang mga mag-aaral sa Grades 2 hanggang 6, 8 hanggang 10, at 12 ay ikinokonsiderang “pre-registered” at hindi kailangang makilahok sa early registration.