1 ang patay sa pag-sabog ng granada sa Mandaluyong City

Kumpirmado ng Mandaluong Police Station na isa ang nasawi habang tatlo ang sugatan sa pagsabog ng granada sa Mandaluyong City.

Ayon kay Mandaluyong Police Col. Remigio Sedanto na drug related ang tangkang pagpapatumba sa pulis na si Police Staff Sergeant Aldin Saligo gamit ang granada.

Paliwanag ng opisyal posible aniyang naapektuhan ng mga ikinasa nilang Anti-Criminality at Anti-Illegal Drug Operation sa operasyon ng mga nasa likod ng iligal na droga.


Si Saligo ay bahagi dati ng Intelligence Unit at kasalukuyan namang naka assign sa Station Drug Enforcement ng Mandaluyong Police Station.

Base sa inisyal na imbestigasyon tinaniman ng granada ang ilalim ng motorsiklo ni Saligo at pag-sapit sa isang Humps sa Martinez Street,Mandaluyong City nnag sumayad at nalaglag ang granada.

Pero ang nasabugan ng granada ay ang kasunod na tricycle at mga naglalakad sa lugar.

Inamin naman ng pulis na bago pa man ang naturang explosion ay nakatanggap na siya ng pag-babanta sa buhay.

Facebook Comments