1-Anyos na Bata, Patay Matapos Mabangga ng Sasakyan!

Cauayan City, Isabela- Binawian ng buhay ang mahigit isang (1) taong gulang na bata matapos itong mabangga ganap na alas 12:00 kaninang tanghali sa Brgy. San Macario, Delfin Albano, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), habang bumabaybay sa lansangan ang suspek na si Creselvic Allauigan, 24 anyos, binata, residente ng Brgy. San Macario, Delfin Albano, Isabela lulan ang minamanehong sasakyan ay biglang tumawid sa daan ang paslit na babae.

Nabangga ng drayber ng sasakyan ang paslit at dinala sa pagamutan subalit namatay rin habang nilalapatan ng lunas.


Dinala sa himpilan ng PNP Delfin Albano ang suspek at minamaneho nitong sasakyan para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon.

Facebook Comments