1-anyos, patay matapos mahulog sa kanal sa Parañaque

156

Patay na nang matagpuan ang isang-taong-gulang na bata matapos itong mahulog sa kanal sa  Parañaque.


Base sa report ng GMA News,  araw noon ng Biyernes nang mangyari ang trahedya.

Wala raw noon ang ama ng biktima habang naglalaba naman ang kanyang ina nang mahulog ito sa kanal bandang alas 4:00 ng hapon.

Sa tulong ng awrtoridad ay natagpuan ang bangkay ng bata kinabukasan nang mangyari ang insidente.

Ito ay matapos nilang itigil ang search operation bandang alas 10:00 ng gabi.

Facebook Comments