Bilang ng mga pulis na positibo sa COVID-19, nadagdagan

38

Tumataas pa ang bilang ng mga pulis na positibo sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) na ngayon ay umaabot na sa 2,249.


Sa ulat ng Philippine National Police (PNP) Public Information Office kahapon, panibagong 58 na pulis ang nagpositibo sa COVID-19.

20 sa mga bagong nagpositibo ay nakatalaga sa National Capital Region Police Office (NCRPO), 19 sa Police Regional Office 3 (PRO 3), 5 sa National Support Unit, 4 sa National Headquarters, 4 sa Civil Security Group, 2 sa PRO 4A, tig-isa sa PRO 7, PRO 9, PRO 11 at Police Security and Protection Group (PSPG).

Good news dahil sa bilang ng mga nagpositibo, 1,095 na ang gumaling habang inoobserbahan pa ang 845 na pulis na ikinokonsiderang mga probable case at 2,230 na pulis ang suspected case ng COVID-19.

Habang labing isang mga pulis ang namatay dahil sa COVID-19.

Facebook Comments