1 arestado dahil sa iligal na droga sa Muntinlupa City

34

Kalaboso ang isang 24-anyos na lalaki matapos msakote dahil sa iligal na droga sa Muntinlupa City.

Nakilala ang nadakip na si Edgardo Martinez Jr., isang construction worker at residente ng Barangay Cupang.


Nabatid na ikinasa ng Muntinlupa Pnp at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang drug buy bust operation laban sa suspek sa loob ng Garcip compound kung saan matapos matanggap ng poseur buyer ang isang maliit sachet ng shabu ay dito na inaresto si Martinez.

Bukod sa maliit na sachet ng shabu, nakumpiska pa sa suspek ang tatlong medium sachet ng shabu na may bigat ng halos dalawang gramo at nagkakahalaga ng P13, 600.00.

Aminado ang suspek na nagbebenta ng droga para magkaroon ng pera lalo na at wala siyang pasok sa trabaho dahil na din sa pinapairal na enhanced community lockdown sa buong luzon.

Facebook Comments