DND Sec. Lorenzana, negatibo sa COVID-19

47

Negatibo sa COVID-19 si Defense Secretary Delfin Lorenzana.

Inihayag mismo ito ng  kalihim matapos na matanggap ang resulta ng kanyang COVID-19 test.


Anya  dalawang beses sya nagpa COVID test para makasiguro at kapwa nga negatibo ang resulta nito.

Pero, sinabi ng kalihim na batay sa payo ng kanyang doktor ay kukumpletuhin niya  pa rin ang kanyang home quarantine hanggang April  16.

Matatandaang  boluntaryong sumailalim si Lorenzana sa home quarantine nitong March 27  matapos matanggap ang balita na positibo sa Covid 19 si AFP Chief General Felimon Santos Jr.

Nakasama kasi ng kalihim si General Santos sa dalawang okasyon noong March 21 at March 22.

Si General Santos ay patuloy na naka home quarantine sa kanyang quarters sa Camp Aguinaldo.




Facebook Comments