1 babae, arestado sa buy bust operation sa Pateros

42

Kalaboso ang isang babae matapos mahulihan ng iligal na droga sa Pateros.

Nakilala ang nadakip na si Angela Villadolid, 30-anyos at residente ng Panday Paltok, Barangay Sta. Ana.


Sa imbestigasyon, ikinasa ng mga awtoridad ang buy bust operation laban kay Angela matapos makatanggap ng tip ang pulisya na pasimple itong nagbebenta ng iligal na droga sa kanilang lugar.

Hindi naman na nakaporma pa ang suspek nang makorner ito sa operasyon kung saan nakuha sa kaniya ang dalawang sachet ng shabu na may bigat na limang gramo at nagkakahalaga ng P34,000.00.

Aminado si angela na nagbebenta ng shabu para may panggastos sa buhay lalo na at hirap siyang makahanap ng disenteng trabaho.

Facebook Comments

From Advertisers