3 estudyante, arestado sa iligal na droga sa Taguig City

280

Arestado ang tatlong lalaki sa ikinasang buy bust operation sa Sampaloc Street, Barangay Central Signal, Taguig City.


Nakilala ang mga nadakip na sina Lance Gabriel Visco, Jessie Jay Pullente at France Junnifer Monta pawang mga estudyante sa kolehiyo.

Nabatid na ikinasa ang operasyon laban sa tatlo matapos na makatanggap ng tip ang pulisya na talamak silang nagbebenta ng marijuana mula sa kanilang lugar hanggang sa kalapit na mga Barangay.

Nakuha sa kanilang pag-iinggat ang nasa walong sachet ng marijuana na may bigat na halos 100 gramo at tinatayang nasa P12,000.00 ang halaga.

Bukod sa marijuana, nasamsam din sa kanila ang ilang mga drug paraphernalia kaya inaaalam na ngayon kung saan at kung sino ang source nila ng iligal na droga.

Facebook Comments