1 babaeng tulak umano ng droga sa Muntinlupa, arestado

29

Timbog ang isang babaeng natutulak umano ng droga sa Muntinluoa City, matapos ikasa ang buy-bust operation laban sa kanya.

Nakilala ang suspek na si Gloria Alboladora Cunanan, alyas Glory, nasa hustong gulang.


Nakuha mula sa kanya anh 1 gramo ng hinihinalang shabu na may katumbas na halaga ng 6,800.00.

Ginawa ang nasabing operasyon sa kahabaan ng Quezon st, Brgy. Poblacion, lungsod ng Muntinlupa, pasado alas-12:00 ng tanghali kahapon.

Ito ay pinagsanib pwersa ng mga tauhan ng Muntinlupa Police Station Drugs Enforcement Unit at Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA).

Itinurn over na sa Southern Police District (SPD) Crime Laboratory ang umano ay shabu para chemical analysis.

Nakakulong naman ang Suspect Muntinlupa Custodial Facility para proper disposition at nahaharap ito sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


Facebook Comments