COVID-19 positive sa Pasay, pumalo na sa 50!

37

Nasa 50 katao na sa Pasay City ang positibo sa COVID-19 kung saan 2  sa mga ito ang naka-recover na at 7 ang nasawi.

Naitala ang pinakamataas na bilang o ang syam na positibo sa COVID-19 sa Pasay sa Barangay 183.


Ang Persons Under Investigation (PUI) naman sa Pasay ay umaabot na sa 40 habang umakyat na sa 294 ang Persons Under Monitoring (PUM).

Kaugnay nito ay patuloy na ipinapatupad ng Pasay City Government sa mamamayan ang home quarantine o pananatili sa bahay.

Gayundin ang pagsusuot ng face mask kung lalabas ng bahay, pagsasgawa ng social distancing at palagiang paghuhugas ng kamay.

Facebook Comments