1 barangay, isinailalim sa EECQ

Kinumpirma ni Aurora, Zamboanga del Sur Mayor Boen Cabahug na mula sa kanilang bayan ang ika-apat na pasyente na nagpositibo ng COVID-19 sa lalawigan ng Zamboanga del Sur.

Dahil dito isinailalim na sa “Extreme Enhanced Community Quarantine (EECQ)” ang Barangay San Jose sa naturang bayan.

Sa interview ng RMN Pagadian kay Mayor Cabahug, ang nabanggit na barangay na isinailalim sa EECQ ay batay sa rekomendasyon ng Task Force at pinatibay sa kanyang inilabas na executive order.


Sa ilalim ng EECQ, magpapatupad ng mahigpit na monitoring at surveillance sa mga nabanggit na lugar.

Babantayan ng mga pulis, barangay officials, at health workers ang mga quarantine checkpoint sa lugar.

Facebook Comments