10 COVID-19 Suspects sa CVMC, Nagnegatibo ang Resulta ng Swab Test

*Cauayan City, Isabela*- Nagnegatibo na ang resulta ng swab test ng sampung (10) COVID-19 suspects mula sa 17 na kabuuang bilang nito na nasa pangangalaga ng Cagayan Valley Medical Center sa Tuguegarao City, Cagayan.

Ayon kay Medical Center Chief Dr. Glenn Mathew Baggao, hinihintay na lamang ang resulta ng natitirang pitong (7) covid-19 suspects.

Umaasa naman si Baggao na magnenegatibo rin sa resulta ng nakamamatay na sakit ang mga pasyenteng nananatili sa kanilang hospital.


Samantala, nananatili pa rin na covid-19 free ang Lalawigan ng Cagayan habang hindi wala ng naitatalang kaso nito sa loob ng 15 araw.

Facebook Comments