1 binatilyo sa Muntinlupa City na hinuli dahil sa paglabag sa curfew hour, nakuhanan ng sulpak at baril

Kulongan ang tuloy ng isang binatilyo sa Muntinlupa City, matapos itong makuhanan ng ng mga pulis ng sulplak na isang uri ng improvise firearm at isang baril na 9mm pistol na may lamang bala.

Nakilala ang suspek na si Albert Tejada Villa, 19-anyos, residente ng Phase 4, Southville 3, National Housing Authority, Barangay Poblacion ng nasabing lungsod.

Batay sa ulat ng mga pulis, hinuli ang nasabing binatilyo dahil sa paglabag sa curfew hour, pasado alas-9 kagabi sa may Phase 1 Southville 3, National Housing Authority.


Ayon kay Police Senior Master Sergeant (PSMS) Arthur D Cortez ng Muntinlupa pulis, napagalaman din na ang suspek ay may warrant of arrest sa kasong Robbery.

Nakakulong na ang suspek sa Muntinlupa PNP Custodial Facility at nahaharap ita kasong paglabag republic act 10591 o illegal possession of Firearms and Ammunition.

Facebook Comments