1-buwan gulang sanggol, patay sa COVID-19 matapos mahawaan ng bumisitang kapitbahay

SURABAYA, Indonesia — Pumanaw sa novel coronavirus disease ang isang 40-day-old na sanggol sa Tlanakan noong Linggo, matapos umanong mahawaan ng kapitbahay.

Nagpositibo sa COVID-19 ang sanggol noong 28-day-old pa lang at namatay sa ospital makalipas ang dalawang linggo, ayon sa The Jakarta Post.

Batay sa contact tracing na isinagawa ng awtoridad, nagmula ang virus mula sa kapitbahay na bumisita sa araw mismo na ipinanganak ang bata.


Sinabi ni COVID-19 task force chief Syaiful Hidayat na maraming bisita ang kumarga sa sanggol na kalaunan ay nakitaan ng sintomas na lagnat, ubo, at hirap sa paghinga.

Sadyang marami umanong residente sa Tlanakan ang hindi sumasailalim sa quarantine at nagpapatuloy sa normal nilang mga buhay.

Facebook Comments