Dalawang lalaking tulak umano ng ilegal na droga, arestado sa buy-bust operation sa Muntinlupa City

Timbog ang dalawang lalaking tulak umano ng ipinagbabawal na droga matapos ikasa ang buy-bust operation laban sa kanila.

Nakilala ang mga suspek na sina Ronnie Digaas Sarmiento, alyas “Ronnie”, at Larry Umpad Computo, alyas “Boyet”.

Nakuha mula sa kanila ang 5.5 grams na umano’y shabu na may katumbas na halagang ₱37,400.


Ginawa ang nasabing operasyon matapos makumpirma ang mga ilegal na transakyon ng mga suspek kaugnay sa bentahan ng shabu sa Carso Compound Brgy. Alabang, pasado alas 2:00 ng hapon.

Nakakulong na ang mga suspek sa Muntinlupa Police Station Custodial Facility at nahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments