*Cauayan City, Isabela- Muling nakapagtala ng tatlumput anim (36) na panibagong kaso ng COVID-19 ang rehiyon dos.*
*Sa pinakahuling tala ng Department of Health (DOH) Region 2, mula sa 38 na new confirmed cases sa Lambak ng Cagayan, pinakamaraming nakapagtala ang probinsya ng Cagayan na may 20 na nagpositibo sa COVID-19, walo (8) sa Isabela, isa (1) sa Santiago City at pito (7) sa Nueva Vizcaya.*
*Kaugnay nito isang (1) COVID-19 Positive patient naman ang namatay sa sakit na naitala mula sa Cagayan.*
*Kasabay ng pagpopositibo ng 36 katao sa rehiyon, nakapagtala naman ng 29 na bagong bilang ng mga gumaling sa COVID-19 na kinabibilangan ng probinsya ng Isabela na may pito (7) na recoveries, labing pito (17) sa Santiago City at lima (5) sa Nueva Vizcaya.*
*Umabot na sa 1,656 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Cagayan Valley, 537 ang active cases, tumaas naman sa 1,092 ang recoveries, habang nasa 27 na ang nasawi.*
*Tags: 98.5 ifm cauayan, ifm cauayan, cauayan city, isabela, luzon, *Department of Health (DOH) Region 2, covid19, isabela, cagayan, nueva vizcaya