1 construction worker sa Pasay City, arestado makaraang suntukin ang isang babae

44

Kalaboso sa Pasay City Police Station at sasampahan ng kasong Physical Injury ang 45-anyos na construction worker na si ELY VALENCIA.

Base sa police report, nagkaroon ng mainitang pagtatalo sina valencia at ang 42-anyos na si Nina Balagtas sa loob ng kanilang tinitirhan sa Taft Avenue, Barangay 33, Zone 3, Pasay City.


Sa naturang tagpo ay bigla na lang umanong sinuntok ni Valencia si Balagtas kaya namaga ang kaliwang pisngi nito.

Agad namang nakahingi ng tulong ang babae sa mga opisyal ng barangay na naging daan para maaresto ang suspek at mabitibit sa presinto.

Agad namang isinailalim si balagtas sa medical physical examination sa Pasay General Hospital.

Facebook Comments