P600K halaga ng marijuana, nakumpiska sa isang buy-bust sa QC

21

Aabot sa limang kilo ng marijuana ang natimbog ng mga otoridad sa isang suspek sa Barangay Ramon Magsaysay, Bagong Bantay, Quezon City.

Tinatayang may halagang P600,000 ang halaga ng 5 bricks ng dried marijuana na nakumpiska.


Kinilala naman ang suspek na si John Carlo Niedo, 22 taong gulang.

Nakuha din sa suspek ang P13,000 buy bust money na ginamit sa operasyon.

Nahaharap ngayon sa paglabag sa Section 5 at 11 ng comprehensive dangerous drugs act of 2002 ang nasabing suspek.

Facebook Comments