1 extortionist at 1 PUJ driver violator, iprinesenta ni Mayor Isko Moreno sa Media

548

Iprinesenta ni Manila Mayor Isko Moreno ang dalawang suspek kabilang na ang jeepney driver na nag cutting trip at isang babae na sangkot sa pangingikil sa CM Recto at miyembro ng tinatawag na Carol Bakulaw group.

Nakilala ang babaeng nangongotong na si Melanie Dela Cruz 39 anyos vendor at Marlon Carpio 19 anyos jeepney driver.


Ayon kay Mayor Moreno malakihan aniya ang koleksyon ni Dela Cruz  na 500 hanggang 1000 piso ang koleksyon nito sa mga vendor.

Si Carpio naman ay nahuling nag cutting trip sa lugar kung saan marami ng mga pasahero ang nagrereklamo.

Babala ng alkalde wala aniya siyang sasantuhin lalo na ang mga nanlalamang sa kapwa dahil nais nitong maging maayos ang lahat ng mga transaksyon sa Lungsod ng Maynila.

Facebook Comments

From Advertisers