Dasal dasal lang sandata ni Mayor Isko Moreno sa kanyang kampanya kontra illegal vendors

336

Naniniwala si Manila Mayor Isko Moreno na wala ng iba pang mabisang sandata kundi dasal laban sa mga nagbabalak sa kanya ng masama kaugnay sa kanyang kampanya kontra ilegal vendors.

Ayon kay Moreno, dasal-dasal lang habang nagta-trabaho dahil gagabayan ka aniya ng panginoong Diyos kung maganda ang iyong adhikain para sa kapakanan ng nakararaming residente ng Maynila.


Gayunman, hindi kinumpirma o itinanggi ni “Mayor  Isko” kung may mga banta na ba sa kanyang buhay.

Matatandaan na mula nang maupo sa kanyang  pwesto si Mayor Isko, ay sunud-sunod ang isinasagawang clearing operations sa Divisoria, Quiapo at iba pang lugar sa Maynila, kung saan mga vendor ang mga pangunahing naapektuhan. Pinalinis din nito ang noo’y dugyot na Andres Bonifacio Shrine.

Sa katunayan, sa kauna-unahang pagkakataon ay ginawa ang flag raising ceremony sa Bonifacio Shrine kaninang umaga, matapos ang ilang araw na paglilinis doon.

Facebook Comments

From Advertisers