Panukalang bigas kapalit ng basura, isinusulong sa Kamara

Isinusulong ni Deputy Minority Leader Harlin Neil Abayon ang panukala na pinaniniwalaang tutugon sa problema sa basura.

 

Sa ilalim ng House Bill 9170, bibigyan ng insentibo ang mga taong maghihiwalay ng recyclable plastics at magdadala ng mga basura sa redemption centers.

 

Naniniwala si Abayon na makakatulong ito para maengganyo ang publiko na ipunin ang mga basura para sa proper disposal .


 

Sa ilalim ng panukala , ang bawat isang kilo ng non-hazardous at recyclable plastic wastes ay may katapat na 1 kilo ng bigas o cash equivalent.

 

Samantala, ang isang kilo naman ng metallic non-hazardous waste ay may katumbas na dalawang kilo ng bigas o katapat na halaga sa pera.

 

Inaatasan ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) , Department of Agriculture (DA) at Department of Trade and Industry (DTI) na hikayatin ang publiko , mga tahanan at mga asosasyon na gawin ang segregation ng mga basura sa kanilang mga lugar.

Facebook Comments