1 lalaki sa Muntinlupa na tulak umano ng ilegal na droga, arestado sa buy-bust operation

Timbog ang isang lalaki na tulak umano ng ipinagbabawal na droga sa Muntinlupa City, matapos ikasa ang buy-bust operation laban sa kanaya.

Nakilala ang suspek na si Angelito Enriquez Lugto, alyas Buboy, 42-anyos, at residente ng Gonzales Compound Summit Ville Barangay Putatan.

Nakuha mula sa kanya ang isang gramo ng hinihinalang shabu na may katumabas na halaga na 6,800 pesos.


Ginawa ang nasabing operasyon sa lugar kung saan nakatira ang suspek pasado alas-7:50 kagabi.

Ang nasabing buy-bust operasyon ay ginawa ng pinagsanibpwersa nag Muntinlupa PNP – Station Drug Enfocement Unit at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Nakakulong na ang suspek sa Muntinlupa City Police Station Custodial Facility at nahaharap ito sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments