Apo ng ASG leader sa Sulu, patay sa operasyon ng militar

Patay ang apo ng Abu Sayaf Group leader na si Radullan Sahiron sa ikinasang operasyon ng militar sa Sulu.

Kinilala itong si alyas “Vikram”, kilalang ied maker at sangkot sa nangyaring pagpapasabog sa Jolo Cathedral.

Ang operasyon ay isinagawa ng tropa ng Joint Task Force Sulu makaraang makatanggap ng impormasyon tungkol sa dalawang asg members na namataan alas 9:45 kagabi sa Barangay Bilaan, Talipao sakay ng motorsiklo.


Biglang nagpaputok ang mga suspek habang tumatakas dahilan para gumanti ang mga sundalo.

Narekober ang bangkay ni Vikram sa barangay lambana.

Wala namang nasawi o nasaktan sa panig ng militar.

Facebook Comments