1 lalaki sa QC, inaresto dahil sa panunutok ng baril, pagdadala ng granada at mga bala

79

Dinampot ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang 46-anyos na si Jose Delos Santos III, naninirahan sa area ng Eastwood City Cyberpark, Barangay Bagumbayan, Quezon City.

Base sa report ng QCPD, nakatanggap ng reklamo ang pulisya ukol sa umano ay pagbibitbit ni Delos Santos ng baril habang nasa loob ng Eastwood City Cyberpark.


Hanggang sa condominium ay may bitbit pa rin umano itong long firearm na nagdulot ng panic sa mga tao sa lugar.

Tinutukan din umano nito ng baril ang Cyberpark Building Property Engineer at Assistant State Manager ng Eastwood City kaya humingi na ng tulong sa mga otoridad ang mga security personnel.

Nakuha diumano ng mga otoridad kay delo santos ang isang 9MM Angstadt, isang 9MM Glock pistol, tatlong magazines,  53 mga bala ng caliber 9mm, at isang granada.

Kaugnay nito ay nakatakdang sampahan si delos santos ng mga kasong paglabag sa Comprehensive Law on Firearms and Ammunition, paglabag din sa Unlawful Possession of Explosives at grave threat.

Facebook Comments