Opisyal ng PACC na nagsusulong ng imbestigasyon kay VP Robredo, pinagsabihan ni Sen. Go

1110

Maging si Senator Christopher Bong Go na kilalang malapit kay Pangulong Rodrigo Duterte ay hindi rin nagustuhan ang pahayag ni Presidential Anti Corruption Commission (PACC) Commissioner Manuelito Luna na dapat imbestigahan ng National Bureau of Investigation (NBI) si Vice President Leni Robredo.

Mensahe ni Senator Go sa mga opisyal na hindi nakakatulong sa sitwasyon ngayon dahil sa COVID-19, i-quarantine ang bibig o umalis na lang.


Ayon kay Go, sila ni Pangulong Rodrigo Duterte at ang administrasyon ay patuloy na nananawagan sa lahat ng mga Pilipino na magtulungan at magbayanihan para malampasan  ang dinaranas nating krisis.

Diin ni Go, dapat ay welcome ang lahat ng mga gustong tumulong at welcome din ang mga bumabatikos na magbigay ng kanilang rekomendasyon.

Pakiusap ni Go sa lahat, maging parte ng solusyon at huwag ng dumagdag pa sa problema.

Facebook Comments