1-M doses ng Sinopharm vaccine, darating sa bansa bukas at sa Sabado

Nagbigay ang China ng karagdagang 1 million Sinopharm COVID-19 vaccines sa Pilipinas.

Ayon kay Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian, ang mga donasyong bakuna ay darating bukas at sa Sabado.

Aniya, ang China ang pinakaunang bansa na nagbigay at nagprayoridad sa Pilipinas para sa mga supply ng bakuna.


Batay sa datos, 50% ng mga bakuna sa Pilipinas ay mula sa China kung saan 25.5 million doses dito ay Sinovac vaccine.

Facebook Comments