Mahigit 8,000 bagong gumaling sa COVID-19 ayon sa DOH

Nakapagtala ngayong araw ang Department of Health (DOH) ng 8,248 na gumaling sa COVID-19 sa bansa.

14,895 naman ang karagdagang kaso ng COVID-19 habang 258 ang bagong nasawi.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 111,720 ang aktibong kaso.


Sa ngayon, umabot na sa 1,791,003 ang kabuuang kaso sa bansa, 1,648,402 ang mga gumaling at 30,881 ang mga nasawi.

Facebook Comments