1-M rice farmers na biktima ng kalamidad, tatanggap ng tig-₱7,000 —Malacañang

Aabot sa isang milyong rice farmers na naapektuhan ng mga nagdaang kalamidad ang makatatanggap ng tig-₱7,000 ayuda mula sa pamahalaan.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, layon ng tulong pinansyal na mapunan ang nawalang kita ng mga magsasaka dahil sa pinsala ng kalamidad at pagbaba ng presyo ng palay.

Bukod sa cash aid, namahagi rin ang Department of Agriculture (DA) ng iba’t ibang tulong gaya ng rice stock distribution mula sa National Food Authority (NFA) at ₱1.27 bilyong halaga ng farm at fishery equipment sa Zamboanga Peninsula.

Ang pondo para dito ay kukunin mula sa 2026 national budget.

Dagdag pa ni Castro, nagpatupad na rin ang Department of Trade and Industry (DTI) ng price freeze sa mga pangunahing bilihin sa mga lugar na labis na tinamaan ng kalamidad.

Facebook Comments