Alas-4:04 ng hapon dumating kanina sa Villamor Airbase sa Pasay City ang isang milyon pang doses ng CoronaVac vaccine doses na binili ng Pilipinas sa China.
Kabilang ito sa kabuuang 25 million doses na binili ng pamahalaan sa vaccine manufacturer na Sinovac.
Ang mga bakuna ay lulan ng Airbus-330 ng Philippine Airlines (PAL) mula Beijing kung saan kaninang umaga lumipad ang eroplano ng PAL patungong China para ikarga ang mga bakuna.
Ang mga bakuna ay personal na tinanggap nina Pangulong Duterte, Senator Christopher Lawrence “Bong” Go, Health Secretary Francisco T. Duque III, National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer and Vaccine Czar Secretary Carlito G. Galvez Jr. (NTF Vaccine Czar), at ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian.
Ang karagdagang 24 million doses naman ng CoronaVac ay dadating sa bansa sa mga susunod na buwan.
Ang naturang mga bakuna ay agad na ipapamahagi sa mga lokal na pamahalaan sa harap ng pagsisimula ng vaccination program sa mga senior citizens at mga indibidwal na may comorbidities.
Ito ay sa harap ng paglobo ng kaso ng COVID-19 sa Metro Manila, Laguna, Bulacan, Cavite at Rizal.